Mga Criteria

Susuportahan ng LET WOMEN LEAD ang mga Babaeng Lider na:

 
  1. May mabuting ugali at pagkatao, walang kasaysayan ng katiwalian o may utang na loob sa mga grupong nagsusulong ng sariling interes lamang o mga tiwaling pulitiko. 

  2. Matatag ang paninindigan sa demokrasya at alituntunin ng batas; sa pangangalaga at pagtatanggol sa konstitusyon (1) at sa pagpapahayag ng ating soberanya at malayang polisiya sa ugnayang panlabas.

  3. Nakatuon sa ganap na pagpapatupad ng katarungang panlipunan at mga karapatang pantao bilang “Puso” (2) ng ating konstitusyon; na ang mga mahihirap ang sentro ng ating kaunlaran sa pamamagitan ng pantay na pagkalat ng yaman at kapangyarihang pampulitika para sa kabutihang panlahat. (3)

  4. May napatunayang kakayahan, maging sa gobyerno, sa pribadong sektor, o sa lipunan, na may track record sa pagtugon ng mga problema.

  5. Hindi nagmula sa isang pampulitikang dinastiya at nagtataguyod sa pagpasa ng isang batas laban sa dinastiya na paiiralin sa lahat ng halalan, pati sa Party-List System.

___

1. Art. VII, Sec. 8 – Oath of Office of the President, Philippine Constitution
2. As said by former Associate Justice and President of the 1986 Constitutional Commission, Cecilia Munoz Palma, one of the best examples of women in national leadership
3. Art VIII, Sec. 1, Philippine Constitution