Ang LET WOMEN LEAD ay isang inisyatiba ng AWARE na mangalap ng pondo, na naglalayong maging patas ang larangan para sa mga karapat-dapat na kandidatong kababaihan na maaaring walang pondo o makinarya para makapaglunsad ng makabuluhang kampanya sa darating na halalan. Mula 7, 2022, tututok ang LET WOMEN LEAD sa mga proyekto para sa mga women leaders sa mga barangay, simula sa isang pilot project sa dalawa o tatlong mapipiling mga barangay.
Siguro ang dapat na tanong ay “Bakit HINDI Kababaihan?” Maraming positibong katangian ang mga kababaihan na dapat taglayin ng mga namumuno sa mundo. Ang mga kababaihan ay maalaga, matulungin, at maunawain. May dangal, ang kababaihan ay nagsisilbing mga haligi ng lipunan. Sila ay gumagawa ng tulay, pilit na inaabot ang malayo, gumagawa ng mga napapanahong koneksyon. Ito ang mga katangiang hinahanap natin sa ating kababaihang lider sa hinaharap.
Maaaring sinasabi mo sa iyong sarili, tiyak na may mga kalalakihan na nagtataglay may mga katangiang ito. Bakit hindi isinasama sa inisyatibong ito ang karapat-dapat na mga kandidatong lalaki? Sa totoo lang, magiging masaya tayo kung ang ating mga nahalal na pinuno ay may mga katangiang ito, anuman ang kasarian. Gayunpaman, ang layunin ng inisyatibang ito ay gawing patas ang larangan para sa mga kababaihan. Halos 50% ng ating populasyon ay mga kababaihan, ngunit 20-23% lamang ng mga halal na opisyal ang babae. Hangad namin ay tumulong na balansihin ang di-pagkakatugmang ito, sa pamamagitan ng pagbibigay sa mga karapat-dapat na kandidatong babae ng magandang laban sa halalan.
Ang LET WOMEN LEAD ay naghahanap ng mga babaeng mamumuno na nagbibigay-anyo sa mga sumusunod na huwaran:
Magpapasya ang isang komite kung sino sa mga kandidatong babae na tumatakbo sa darating na eleksyon ang tumutugon sa pamantayan na itinakda ng inisyatiba.
Magpapasya rin ang komite kung paano ilalaan ang mga nakolektang pondo, batay sa mga posisyon na pinupuntirya ng mga babaeng kandidato. Ang mga tumatakbo para sa pambansang posisyon ay makakakuha ng mas malaking halaga kaysa sa mga tumatakbo para sa mga lokal na posisyon.
“Ito ay isang mensahe para sa lahat ng mga hindi nasisiyahan sa paraan ng pamamahala sa ating bansa ngunit naniniwala na may pag-asa para sa Pilipinas. At naniniwala rin na KAYO ay may kapangyarihan na pasimulan ang pagbabago.
Ang halalan… ay magbibigay sa atin ng pagkakataong mabago ang ating bansa, ngunit dapat nating isalin ang ating pag-asa at pananampalataya sa isang pagkilos, at tiyakin na ang ating boses ay maririnig.
Nais namin ay makipagtulungan sa mga namumuno na sumasalamin sa mga mithiin ng mabuting pamamahala, na may walong katangian: ito ay nakikilahok, nakatuon sa pagkakaisa, walang itinatago, may pananagutan, madali lapitan, epektibo at episyente, makatarungan at inklusibo, at sumusunod sa alituntunin ng batas.
Ang mga ito ay nangangahulugan na ang katiwalian ay mababawasan, ang mga tinig ng pinaka-mahina ay maririnig sa paggawa ng desisyon, at isinasaalang-alang ang mga pananaw ng minorya. Tumatak ba ito sa iyo? Gusto ba natin ang ganyang mga lider? Hindi lang natin sila gusto, kailangan natin sila. Kaya dapat nating tiyakin na sila ay mahahalal.
Paano natin gagawin ito?”
—
Read more:
https://opinion.inquirer.net/144317/lets-invest-in-the-right-kind-of-leadership