Sa pakikilahok/pagpasok/pagsali ng mga kababaihan, bilang mga potensyal na lider, sa mga pampulitikang proseso at pamamahala sa pambansa, lokal, at pamayanang antas, tiyak na maisasama/maisasaalang-alang ang kanilang mga pananaw at karanasan sa mga proseso ng paggawa ng desisyon, na mahalaga sa layuning pag-unlad ng isang bansa.
Ang ganap at epektibong pakikilahok ng mga kababaihan sa pulitika ay usapin ng karapatang pantao at mahalaga sa pagkamit ng pagkakapantay-pantay ng kasarian, demokratikong pamamahala, at mas mapayapang lipunan. Ang pagkakapantay-pantay ng kasarian ay humuhubog sa pag-unlad, kakayahang makipagkumpitensya/makipagsabayan sa iba, at potensyal ng isang bansa.
Ang istilo ng pamumuno ng mga kababaihang lider ay karaniwang bukas sa pakikilahok at pagsali ng lahat, at mas nakapag-gaganyak kaysa sa mga kalalakihan, sa pangkalahatan higit na tumutugon sa mga pangangailangan ng mamamayan, at nag-aalok ng mas matinding kooperasyon nang hindi isinasaalang-alang ang/tumitingin sa partido at kultura ng lipi.
Ang mga komunidad ay pinalalakas ng aktibong pakikilahok ng mga kababaihan bilang mga miyembro ng nasasakupan sapagkat/dahil kapag binigyan mo ng kapangyarihan ang mga kababaihan nakakamit/makukuha mo ang dobleng dibidendo ng pagbibigay ng kapangyarihan hindi lamang sa kanyang sarili kundi sa kanyang pamilya at kanyang pamayanan.
Ang higit na maraming bilang ng mga kababaihan sa larangan ng pulitika ay, sa pangkalahatan, makapagbibigay ng mas matamang pansin sa mga isyu ng kababaihan at pabibilisin ang direktang pakikipag-ugnayan ng kababaihan sa paggawa ng pampublikong desisyon, na may epekto sa lahat ng mga aspeto ng masusuportahang pag-unlad.
Age Range
Sa taong 2019, ang edad na 30-44 taong gulang ang nangibabaw sa pagpaparehistro habang ang edad 18-29 ay pumangalawa. Mayroon ding mas maraming babaeng botante mula sa 51% kumpara sa mga kalalakihan.
Nakasaad din sa isang pag-aaral tungkol sa Mga Pag-uugali sa Pagboto ng mga Pilipino na ang edad, kasarian, at pinagmulang rehiyon ay nagpapakita ng isang padron ng mga tugon. Ang mga matatandang indibidwal ay mas malamang na tumanggap ng suhol kaysa sa mga mas bata. Ang mga lalaki ay mas malamang na kumuha ng suhol kaysa sa mga babaeng sumagot ng tanong.
Kagustuhan
Sa Pilipinas, isang pag-aaral ni Tapales (1992) tungkol sa mga pinahahalagahan sa pulitika ng mga kababaihang Pilipino ang nag-ulat na ang mga kababaihang Pilipino ay may kamalayan sa pulitika at pag-unawa ngunit pinipigilan na makisali sa pampulitikang talakayan. Hindi sila miyembro ng anumang organisasyong pampulitika o walang direktang pakikipag-ugnay sa mga pinuno ng gobyerno ngunit ang kanilang paninindigan o aktibidad sa politika ay pagboto at pagdalo sa mga rally.
Populasyon ng kababaihan vs aktwal na botante kumpara sa kalalakihan
Noong 2016, sinasabing ang mga kababaihan ang nangibabaw sa 2016 Election. Higit sa 54.3 milyong mamamayang Pilipino ang nagrehistro, 22,896,668 (51%) ang mga kababaihan. Gayunpaman, ang maliwanag sa halalan noong Mayo 2016 ay ang mga kababaihan ay naging isang makabuluhan at matalinong pamayanan ng mga botante.
Ayon sa isang pag-aaral tungkol sa Mga Kasanayan sa Pagboto sa Halalan sa Pilipinas noong 2020, sinasabing sa mga tuntunin ng kasarian, ang karamihan ng mga sumagot ay mga babae 31 (62%), at 19 (38%) lamang ang mga lalaki. Ito ay dahil ang populasyon ng mga kababaihan ay higit sa bilang ng populasyon ng mga kalalakihan.
Ilan sa mga kababaihan ang nahalal na opisyal
Mula 1998 hanggang 2016, ang porsyento ng mga kababaihang nahalal sa gobyerno ay mula 16.1 porsyento hanggang 21.44 porsyento, na umabot sa pinakamataas noong 2016 na halalan.
Sa 44,448 na mga kandidato noong 2013, 18 porsyento lamang, o 7,921 ang kababaihan. Sa 33 mga kandidato para senador, walo lamang ang kababaihan. At sa 630 na mga kandidato na tumakbo para maging kinatawan ng mga distrito, isa lamang sa anim o 125 ang kababaihan. Sa kasalukuyan, tatlong kababaihan lamang ang naghahangad ng pinakamataas na posisyon sa bansa — sina Grace Poe at Miriam Defensor-Santiago ay dalawa sa limang kandidato na tumakbo sa pagka-pangulo, at si Leni Robredo, isa sa anim na kandidato para sa pagka-bise-presidente.
Ang kwento ng tagumpay ni Bise Presidente Leni Robredo at isang lalaking ipinagkakait ang kanyang panalo ay nagsasabi sa atin kung anong klase ng Pulitika ito … binubuo ito ng mga lalaking naniniwala na sila lang ang may karapatan at hindi makapaniwala na tinalo siya ng isang babae.
+++
Links: