Ang AWARE (Alliance of Women for Action Towards Reform) ay itinatag noong Setyembre 1983, isang resulta ng pataksil na pagpatay kay Senador Ninoy Aquino at sumunod na matinding galit ng publiko na naniniwalaang ito ay isang duwag na maniobra ng gobyernong Marcos.Kaagad na naki-isa ang grupo sa maraming mga demonstrasyon kontra-Marcos na naganap at nakilala sa publiko nang kanilang inorganisa ang matagumpay na Women’s March noong 1984 at nagsagawa ng mga prayer rally sa harap ng mga bahay ng mga miyembro ng Agrava Commission na naatasang mag imbestiga sa pagpatay kay Ninoy Aquino.
Maraming naging kontribusyon ang AWARE sa pampublikong talakayan ng mga pangunahing isyu lalo na tungkol sa katiwalian; kapaligiran; edukasyon at paglahok ng kababaihan sa buhay ng bansa. Walang sangay ng gobyerno ang nakaligtas sa pagsisiyasat at panawagan nito para sa reporma. Kabilang sa mga miyembro nito ang mga kababaihan na nagsilbi sa iba’t ibang mga Pangulo bilang bahagi ng Gabinete at mga posisyon sa ilalim ng Gabinete; isang embahador; isang sikat na pintor; isang huwaran ng media; isang pangulo sa kolehiyo; isang pangulo ng korporasyon; isang pinuno ng internasyonal na organisasyon at mga lider ng mga non-government organization.
Sa pagsulong ng ang mga adbokasiya ng AWARE, isinasaalang-alang nito ang hinaharap na iiwanan sa mga anak at apo ng mga miyembro. Ang grupo ay humahanap at tumatanggap ng mga nakababatang miyembro na magpapatuloy ng pamanang ito sa hinaharap.
Gisingin ang mga kababaihan sa isang kamalayan ng kanilang mga potensyal at lakas bilang isang pampulitika, pang-ekonomiya, sosyo-kultura, at moral na puwersa.
Matulungan ang mga kababaihan na paunlarin ang kanilang mga lakas at mailapat ang mga ito nang epektibo tungo sa pagbuo ng isang bansa na batay sa balangkas ng pag-ibig, kapayapaan at demokrasya.
Sanayin ang mga lider ng kababaihan sa mabuting pamamahala, tungkuling pambayan, at pamumuno upang sila ay makagawa ng mahahalaga at responsableng gampanin sa kani-kanilang mga pamayanan.
Makapasok sa mga publiko-pribadong sosyohan para maayos na makipagtrabaho sa mga ahensya ng gobyerno, mga non-government organization, mga foundation at iba pang mga partner upang makamit ang mga layunin ng AWARE.
Magtrabaho sa edukasyon para isama ang mga modyul sa pagtuturo at pagsasanay sa mga kababaihan bilang paghahanda sa pamumuno sa lipunan.
Itaguyod ang positibong pagbabago sa lipunan upang matulungan ang Pilipinas na maabot ang UN Sustainable Development Goals (SDGs 2015-2030). Dahil ang climate change at mga isyu sa kapaligiran ay kagyat na alalahanin sa hinaharap, tutugunan ito ng AWARE sa mga pangunahing proyekto.
Bigyan ng pangmatagalang suporta ang pagpapalakas sa kababaihan sa larangan ng politika. Ang suporta ng AWARE para sa mga kwalipikadong lider ng kababaihan ay magpapatuloy kahit pagkatapos ng halalan sa 2022.